Monday, February 18, 2013
Science City of Muñoz
PhilRice!
-Dito sa Muñoz maraming lugar ang kasiya-siyang puntahan.
Isa na rito ang aming pinuntahan ang Philippine Rice Institute Research o mas kilala bilang PhilRice.
Ayon sa aming pagsasaliksik ang PhilRice, ang pangunahing ahensya na nagsusulong ng agham sa bigas Ang kanilang tutok ay Rice Science for Development.
Bukid kung saan nakatanim ang mga Palay!
Habang ang aming pangkat ay nag-iikot upang mas makita ang kagandahan ng PhilRice,kami ay napunta sa isang lugar kung saan itinatanim ang mga palay.Talaga namang masarap sa pakiramdam tignan ang tanawing ito dahil alam natin na ito ang pangunahin kabuhayan ng mga mamamayan ng Gitnang Luzon.AT dahil din rito kaya tayo nagkakaroon ng bigas na makakain sa pangaraw-araw.
Kalinisang Maipagmamalaki!
Sa kuha ng larawang ito,makikita natin ang kalinisan sa PhilRice.Isa ito sa mga paraan na mahikayat ang mga turista na pumunta dito.Dahil pinapakita nito na mas kaaya-ayang puntahan ang lugar kung saan responsable sa kalinisan.
PhilRice Museum
Ang lugar na ito ang nakatawag-pansin sa amin.Ito ang PhilRice Museum.Dito nakalagay ang mga sinaunang kagamitan na ginagamit ng mga Pilipino sa pag-tatanim ng mga palay.Dito rin makikita ang mga makabagong proseso sa pag-gawa ng bigas.
Iba't-Ibang uri ng bigas!
Ito ay tinatawag na coffee table.Ngunit ang dapat na kape ang nakalagay,ang nakalagay dito ay ang iba't ibang uri ng bigas. Iyan ay ginawa ni Mr.Carlito N. Bibal.
Ito naman ay ang Traditional Rice Varieties
At ito naman ay ang iba't ibang uri ng bigas.Alam niyo bang mayroong tinatawag na Purple Rice? Kung hindi pa. Halina't puntahan ang PhilRice at tuklasin kung ano ito!
Mga makalumang kagamitan.
kagamitan na koleksyon ng Philrice. Dito makikita ang mga sinaunang gamit sa pagtatanim ng palay, sa pag-aani at sa pagluluto ng kanin.
Ito ay isang "Clay Pot" dito madalas lutuin ang mga ulam noon pa man.
Ito naman ay ang kalabaw,ginagamit sa pang-araro noon ng bukid.Ito ay gawa lamang sa mga sanga,kahoy at kung anu-ano pa. Dahil sa teknolohiya, marami na sa ating ang gumagamit ng mga may makinang pang-araro ng bukid na talaga namang mas mabilis.
Ito ay ang tinatawag na "Bulul" sa paniniwala natin, ito ay isang"Rice God"
Isang lutuang de-uling. Ito ay ang lumang lutuan na ginagamit noon at hanggang ngayon ay marami-rami pa rin ang gumagamit.
Ito ay isa rin sa ginagamit na pang-araro ng bukid.
Ang "Harvest Sled Carrier" ito ay ginagamit upang madala ang mga palay na naani na.
Isa rin ito sa ginagamit na upang makuha ang mga palay.Isang makalumang kagamitan na talaga namang umukit sa ating kasaysayan.
Mga Produkto ng Philrice
Ang Mga Rice Wizard ng Philrice!
Siya ay si Mr.Pedro Escuro. At binansagan siyang "A Mover in the Philippines rice breeding."
Si Mrs.Gelia T. Castillo, ang "The Thinker who shapes Thingking"
At ang panghuli ay si Mr.Bienvenido O. Juliano siya ay ang "A force in grain quality Research."
Sila ay ang mga matatalinong nag-isip at nagpalago pa ng PhilRice,talaga namang dapat lang silang tularan dahil sa kanilang angking galing! Tinawag silang "Rice Wizard" dahil sa natatangi nilang talino sa pag-papaunlad at pag-iisip nito.Kaya't ano pang hinihintay? Subukan ng maging katulad nila. "Be The Next Rice Wizard!"
Dagdagan pa ang Kaalaman sa Agrikultura
Dagdagan pa ang Kaalaman sa Agrikultura! Ating basahin ang mga sumusunod na larawan kung saan nakalagay ang tamang pagtatanim ng palay!
ALAM NYO BA NA:
IT'S MORE RICE IN PHILRICE!
Talaga namang mahalaga ang palay at bigas sa atin, dahil ito ang nagbibigay lakas sa mamamayan ng Pilipinas, ito ang mga kabuhayan ng mga magsasaka, ito ang ating pangunahing produkto at bawat butil nito ay nararapat lamang na huwag sayangin!
At dito sa Philrice, makikita kung paano pahalagahan ang bawat butil ng bigas, dito rin makikita ang proseso sa pag-gawa nito, hindi lamang mga bigas at palay ang naririto,mayroon ding mga produkto na napakasarap! dito ay mayroon ding mga makalumang kagamitan na talaga namang umukit sa ating kasaysayan! Kaya't kapag andito ka tiyak masisiyahan ka!
Kaya ano pa hinihintay niyo? TARA NA! Libutin at Puntahan! Tuklasin ang mga kaalaman!
PhilRice na yan!
"IT'S MORE RICE IN PHILRICE!"
Subscribe to:
Posts (Atom)