Monday, February 18, 2013

Science City of Muñoz





MAS KILALA BILANG THE SCIENCE CITY OF MUÑOZ ANG LUNGSOD MUÑOZ, DAHIL SA MGA INSTITUSYONG MATATAGPUAN DITO,AT ISA ANG MUÑOZ SA LUNGSOD NG LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA,AT BINABAGTAS NITO ANG KAHABAAN NG MAHARLIKA NATIONAL HIGHWAY PATUNGONG LAMBAK CAGAYAN.

PhilRice!









-Dito sa Muñoz maraming lugar ang kasiya-siyang puntahan.
Isa na rito ang aming pinuntahan ang Philippine Rice Institute Research o mas kilala bilang PhilRice.
Ayon sa aming pagsasaliksik ang PhilRice, ang pangunahing ahensya na nagsusulong ng agham sa bigas Ang kanilang tutok ay Rice Science for Development.

Bukid kung saan nakatanim ang mga Palay!



Habang ang aming pangkat ay nag-iikot upang mas makita ang kagandahan ng PhilRice,kami ay napunta sa isang lugar kung saan itinatanim ang mga palay.Talaga namang masarap sa pakiramdam tignan ang tanawing ito dahil  alam natin na ito ang pangunahin kabuhayan ng mga mamamayan ng Gitnang Luzon.AT dahil din rito kaya tayo nagkakaroon ng bigas na makakain sa pangaraw-araw.

Kalinisang Maipagmamalaki!



Sa kuha ng larawang ito,makikita natin ang kalinisan sa PhilRice.Isa ito sa mga paraan na mahikayat ang mga turista na pumunta dito.Dahil pinapakita nito na mas kaaya-ayang puntahan ang lugar kung saan responsable sa kalinisan.

PhilRice Museum



Ang lugar na ito ang nakatawag-pansin sa amin.Ito ang PhilRice Museum.Dito nakalagay ang mga sinaunang kagamitan na ginagamit ng mga Pilipino sa pag-tatanim ng mga palay.Dito rin makikita ang mga makabagong proseso sa pag-gawa ng bigas.

Iba't-Ibang uri ng bigas!



Ito ay tinatawag na coffee table.Ngunit ang dapat na kape ang nakalagay,ang nakalagay dito ay ang iba't ibang uri ng bigas. Iyan ay ginawa ni Mr.Carlito N. Bibal.
Ito naman ay ang New Improved Rice Varieties. 
Ito naman ay ang Traditional Rice Varieties









At ito naman ay ang iba't ibang uri ng bigas.Alam niyo bang mayroong tinatawag na Purple Rice? Kung hindi pa. Halina't puntahan ang PhilRice at tuklasin kung ano ito!

Mga makalumang kagamitan.


 Ito naman aya ng mga lumang 
kagamitan na koleksyon ng Philrice. Dito makikita ang mga sinaunang gamit sa pagtatanim ng palay, sa pag-aani at sa pagluluto ng kanin.

Ito ay isang "Clay Pot" dito madalas lutuin ang mga ulam noon pa man.
Ito naman ay ang kalabaw,ginagamit sa pang-araro noon ng bukid.Ito ay gawa lamang sa mga sanga,kahoy at kung anu-ano pa. 
Dahil sa teknolohiya, marami na sa ating ang gumagamit ng mga may makinang pang-araro ng bukid na talaga namang mas mabilis.











                                                   
                                                                                                            Ito ay ang tinatawag na "Bulul" sa paniniwala natin, ito ay isang"Rice God"
Ito naman ay mga salakot, ito ay ginagamit ng mga magsasaka sa tuwing sila ay nagtatanim o nag-aani.













Isang lutuang de-uling. Ito ay ang lumang lutuan na ginagamit noon at hanggang ngayon ay marami-rami pa rin ang gumagamit. 
                                     Ito ay isa rin sa ginagamit na pang-araro ng bukid.












                                                    
Ang "Harvest Sled Carrier" ito ay ginagamit upang madala ang mga palay na naani na.

Isa rin ito sa ginagamit na upang makuha ang mga palay.Isang makalumang kagamitan na talaga namang umukit sa ating kasaysayan.